A volcano has erupted inside me yesterday, in short, pakiramdam ko, may Mt. Pinatubo na sumabog sa akin kagabi kasi ako yung tipong tao pag nagagalit eh hindi nagsasalita. Yung tipong para kang may kausap na hangin, or non-living thing, sa maikling salita, non-confrontational, hindi sa nag-iipon ng sama ng loob, pero kusang naiipon, kasi kung anong daldal ko in person, ay siyang tahimik ko, kapag nagagalit. Anyway, nakasabog na kagabi, and mind you guys, ang sarap sa pakiramdam, sana mamaintain ko yung ganitong status pag nagagalit, yung tipong non-violent pero hindi moh naviviolate yung sarili sa sariling freedom of expression. Ang bait kasi ng tatay ng anak ko eh, at ako yung di kabaitan. Ang sa akin lang eh sa sobrang bait ng tinigin niya sa sarili, nagiging insensitive na pala siya. Ang sabi niya sa akin kagabi “bakit ka biglang nagagalit? wala akong gingawang masama. Kaya kong tumingin sayo ng mata sa mata kasi alam kong wala akong gingawang masama” (oh di ba, isang malaking CONCEITED, tingin niya sa sarili ata eh santo, the fact na sinabi niya yun, ang lali na ng problema niya). Naalala ko tuloy yung sinabi ni Hayden na (he did such things because of his POOR JUDGEMENT that time). Hindi tuloy ako magtataka kung bakit may kawork siya na nagtatampo sa kanya.eh ako nga mismo, biktima ng pagiging conceited-thinking-na-mabait-siya. Ang pinakamalaking kamalian ng isang tao eh yung makuntento na lang sa ginagawa niya sa buhay. Paano ko nasabi yun? Kasi pag oras na nakuntento na tayo, hindi na tayo maggrow(pero wag naman nating ipagkamali yung words na contentment, satisfaction,at word na ambition, magkakaiba naman yun). kaso ganun siya mag-isip. eh di ang magiging tingin niya sa sarili niya eh wala siyang ginsagawang masama. Paano ba naman hindi ako magagalit, magsasabi siya ng mga bagay sa akin, malapit ng mangyari, hindi naman ako tropa niya or ordinary na kakilala niya para bigyan ng short notices, knowing na yung sinabi niya sa akin eh alam niyang ikakagalit ko, kasi alam niyan kontra ako doon, pero the fact na umOO siya dun, bago pa niya sabihin sa akin eh bypass na bypass na yung pakiramdam ko. Alam niyo ba yung ipinagsisintir ko? Mag-eescort siya sa Santacruzan sa hopsital. Eh nuknukan ako ng selosa,plus matching pa ng nag-uumapaw kong hormones because of my pregnancy, equals lakas toyo! Nagyaon pag lakas toyo na ako, dun niyo maiiexperience makipag-usap sa hangin, manikin or sarili niyo. Ganun ako katahimik magalit, compared to my friend na lahat ng bagay na mahawakan, kahit gaano kalaki or kaliit, kaya niyang ibato sa asawa niya. Hindi ko kayang gawin yun noh kasi may pagkabasurera ako, yung tipong pinanghihinayangang itapon yung mga bagay na wala ng kwenta, kasi lagi kong sinasabui,mairerecycle ko pa yun. Well, back to my ipinagsisentir, ayun nga, ganoon ako magalit, pero when it comes to blog, bawing-bawi ako, kasi duguan talaga pag ako nagsulat. No holds, no bars talaga. Nagiging vigilante lang kasi ako, knowing na mga talandi yung mga kawork niyang babae(oo na, judgemental na ako ng lagay na toh, pero i have my basis). In the first place, aminado ako na ang kapwa magnanakaw eh galit sa kapwa magnanakaw. I was once a flirt, pero I’m flirting when I’m single, and I flirt only to a single person too. Eh mga hinayupak sila, eh ang kinakanti nila eh magiging tatay na in a weeks time! Hindi ako pakialamera ng cellphone, once ko lang natingnan ata yung kanya. Ang nakita ko eh puro quotes ng mag kawork niyang gurls na my bf na daw. Abay kung ako sa bf nila eh magalit ako, kahit ba naman sabihin mong wholesome yung quotes. Unlimited. SMS for professional pipz,and for mature pipz eh hindi na bagay sa amin. Pang-hayskul lang yung mga ganun.mga GM-GM and everything. Ang sa akin, yung mga sinsendan ng quotes about life, love, jokes is for the one na close sayo,kilala moh personally. friend moh. Eh sila, kelan lang ba sila nagkasama? mga 1-2 buwan sa ward? mga kaclose ko nga, bibihira ko lang sendan ng mga quotes kasi wala naman akong ibang kausap kindi siya lang. Tsaka hindi ako pumasok sa work ko, para kunin lahat ng no. ng katarabaho ko, para forwardan ng mga quotes noh. Naniniwala kasi ako na everything happens not because of a reason, but because may agenda tayo. Ako, may no. din ako ng mga kawork kong guys pero sending them a quotes? i think di ko, ginawa yun unless may sinend sila sa akin. tsaka as much as possible, kung ayaw niyo mamiss-interpret lalo na yung mga taken na, knowing na may mga gf na, eh wag ng ipagtetext. Kasi the fact na my effort kayong itext sila. I think its unimplied way of flirting. my goodness! Alam naman nating na yung ibang romatic antics ng mag atao ngayon, sa kapanahunang ito is nag0-sstart sa texting. Nagegets niyo ba guys yung pinuputok ng butsi ko. Grabeh! Naalala ko na naman yang lintik na poor judgement na yan. Lintik na yan! kawawa naman yung kasabihang TO ERR IS HUMAN. TAO LANG AKO. WALANG PERPEKTONG TAO. ; or yung mga dahilang, LASING KASI AKO; IM UNDER THE INFLUENCE OF DRUGS; MAGULO ANG ISIP KO THAT TIME;IM HOOKED TO THIS AND THAT, ADIK AKO, -yung mga ganitong dahilan eh KAWAWA NAMAN. LASPAG NA LASPAG na. HIGHLY MOLESTED PHRASES- kawawa naman. LAGI NA LANG BA NATIN ISISISI SA MGA INANIMATE OBJECTS PAG MAY GINAWA TAYONG KAMALIAN SA BUHAY. GUYS…sa lahat ng nakakainis sa ginawa ni Hayden is yung sabihin niyang may POOR JUDGENT siya that time. Para niyang ininsulto yung may Lalang sa ating lahat. Halur? we, humans are the highest form of beings created. yung fact nga nga ng may inireason out siya is not part of having poor judgement noh, kasi kung meron mang taong may POOR JUDGEMENT, eh ayun yung mga taong NEUTRAL, yung walang sides na mapanindigan, self-explanatory na yun. tsaka before pa tayo mahook sa mga vices or mga bagay na kinaadikan natin, we all have the sanity to decide to hook or not to be hook to it. tapos sasabihin na POOR JUDGEMENT LANG? doktor pa naman siya, a very noble profession kasi nagdedeal sa buhay ng tao, paano ka magtitiwala na magpatingin dito kung may poor judgement pala ito. For example, in case of emergency. mabilisan ang kilos, ang isip, tas poor judgement. Hindi ako magtataka kung magdidiwang ang kalaban ni Belo sa sinabi ng bf niya. Insullto naman yun sa lahat ng medical field related pips kaya tuloy pati siya, naidawit ko sa blog kong toh. Kaloka siya.Naman! ” Para san pa ang pulis kung lahat ng bagay madadaan sa sorry di ba?”-isang kasabihang narinig ko lang kung kanino na di ko maalala kung sino man yung nagsabi? may sense di ba? Sana lahat ng tao, kung magiging judgemental eh ijudge muna yung sarili noh. Sana maging liable tayo sa pinagagawa natin hindi yung kung kanikanino natin isinisisi yung pinag-gagagawa natin noh. naawa na ako sa mga salitang ginagamit natin na kung may-isip lang eh mega-violent reaction na. Tsaka wag tayong magpahypocrite na sabihing pervert din yung tao. Lahat tayo may sariling forms nun. yung kanya lang eh may pagkatechi kasi rich kid xa, sensatinalize kasi kilala yung mga involve at madaming nakisawsaw na din,including na tayo dun na kahit hindi kiat sa picture pero nakinood sa video nila. Oh di ba, pervert din tayo kasi nasatisfy yung curiosity natin sa panonood ng ginawa nila. Anyway, masaya na talaga ako kasi nakasabog na yung mt. pinatubo sa dibdib ko. What a relief (para sa isang taong ang hirap makamove-on kasi nga inaanalisa ang bawat detalye ng mga bagay-bagay, naisip ko tuloy, ang slow ko pala, haha!) …(well para san pa yung title ng blog account ko, this is purely honest thoughts,okie?)
{May 26, 2009} a volcano has erupted…