hughlette hendrix honest thoughts…











{April 11, 2009}   tulog na baby…

Hindi ako makatulog dahil si baby sa loob ng tiyan ko eh mukhang nakikiduty din sa ama niya. Heto tuloy ako nagddrama, di ko a lam kung gawa ng kababasa ng mga pocketbooks dahil nagsawa na ako sa kakanood ng tv at magawa ng artworks namin ni baby ng hindi naman ako maburyo dito sa bahay. Ang hirap pa lang magsickleave, gawa kailangang magbedrest dahil PROM aq. Sabagay anim na linggo na lang pwede na akong mangitlog or more na sana hindi lumagpas sa 2nd week ng  june. Sana sa paglilikot nitong anak ko ay umikot na siya sa tamang posisyon(Cepahalic) para maging NSD na lang ako kayas CS na pangarap ko noon-na-hindi-na-ngayon kasi ba naman, NPO as in bawal kumain for how many hours. Ngayon ko l;ang narealize na iba pala talaga pa ikaw na yung pasyente, masasabing isa ako sa mga TOXIC patients. Talagang binato ko ng CP ko ang ama ng batang toh nung ayaw niya akong bigyan ng pagkain kasi NPO daw yung order sa akin which is na bawal kumain. Narealize ko kaya pala kami tinotoxic ng mga bantay sa station gawa ng mga  pasyente na din. Narealize ko din kung gaano kasakit ang Cefazolin kaya ipinapapaush ko din sa ama nito for 15-2o minutes(ang toxix ko talaga) pero ginagawa naman niya dahil mahal ako nun. Ikaw na ang paliguan sa kama, ishampoo ang hair, punasan ang buong katawan at kasingit-singitan ko ng walang angal. Husband material talaga pero di po handand pakasalan ako ngayon. Wala na din akong reklamo. Ok na din siguro yung ganun pero sa isang banda hindi maiiwasang mag-emote paminsan-minsan tulad ngayon. Nakakainsecure pa din yung 4-yrs-rel. na pinanggalingan niya compared sa akin na 2-yrs-rel lang. Ganito pala yung feeling na may hang-ups ka pa sa past moh then biglang sa panibagaong relasyon and this time may bata ng involve. Pero kung pagninilay-nilayan ko, masasabi kong ito yung nakatadhana for me. Naisip ko lang kung hindi ako nabuntis ng ama nitong batang toh feeling ko lunatic pa din ako s ex ko na ewan. Ngayon parang mas may saysay na ang buhay ko kasi may paglalaanan na ako ng mga ginagawa ko, hindi na dapat padalos-dalus ang kilos, dapat ilinokunsulta na palagi ang desisyon sa partner ko, dapat matuto na akong magbigay at hindi na puro lamang ako yung nasusunod, mga ganun ba. Maaring common yung pinagsasabi  pero ang hirap pa lang gawin lalo na pag sanay ka sa pagiging freeman.



Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

et cetera