Nakakatuwa, pano moh iaassociate ang WORD na EXAGGERATION sa WORD na THOUGHTS na SYNONYMOUS sa OPINION?
Masama bang maglabas ng sama ng loob , yung lahat-lahat na wala kang tinatago?
Bakit ako magsosorry sa mga sinabi ko if I really mean it? (at wala naman akong inedit, kung mali pagkakaintindi nila, kasalanan ko bay un?)
Sila lang ba yung may karapatang magalit? At ako mananatiling tahimik…
All this time I was trying to be ok, and calm, akin tong site na ‘toh so carry lang kung anong sasabihin ko, para saan pa na it’s all about my honest thoughts!
Wala akong winiwish na masama sa mga nilalang na inosente dito sa mga bagay na wala silang kinalaman, pero hindi ko na ihihingi yun ng paumanhin, nasabi ko na, para san pa yung sorry kung nakasakit na, pasensyahan na lang tayo, kanya-kanyang painful experiences lang yan.
Katulad kahapon, hindi ko alam kung sukdulan na yung naexperience ko kahapon.
Bagyong-bagyo sumugod sa office para magdala ng relief akala ko kasi kailangan ako.
Pagdating ko sa office nila tinanong ko yung babaeng nabungaran ko kung nasaan siya(akala ko tamang dalaw lang or kasama nung katarabaho niya), ayun deadma, tuloy ang paglalaro ng psp.
Ako naman pasok lang na deadma din na akala ko walang nag-aambang panganib. Tinanong ko siya, listener lang daw. So naniwala naman anglola niyong tanga. Ayun dumating na yung isang katarabaho niya, may karelyebo na din siya sa wakas tapos tamang kwentuhan kami ng mapansin kong yung bag niya bukas katabi nung bag nung sinasabi niyang listener? Ayun tapos nakita ko pa siya na making face, at nakikipag-usap sa mata dun sa sinasabi niyang listener, napansin din naman niyang tinitingnan ko siya habang ginagawa niya yun so siya ngayon ang pinangdilatan ko.
Maya-maya pumasok na yung sinasabi niyang listener sa booth sabay kuha ng bag nila sabay haggis with the PSP sa sahig saying GF mo? Nasanggi pa nga yung buhok sa bayolenteng inasal nung listener kuno niya, ayun lumabas sila at dun na nangyari yung pananakit nung listener kuno niya. At ako nakipag-usap na lang sa katrabaho niya na parang walang nangyayari sa labas, alam niyo yong MANHID sa mga ganung eksena, sabi ko pa nga, hayaan na natin sila, hindi ko siya kayang saktan ng pisikal so bahala na siyang gumawa. Tawa lang yung katrabaho niya sa akin na parang aawat lang sa labas pag dumanak na ang dugo.
I pretend na parang wala lang, naupo pa ako habang nagbabasa ng dyaryo pero naririnig ko yung mga pinagsasabi ng listener kuno niya kahit malakas yung musikang umeere sa booth.
Sabi ko napakatagal naman ng usapan, paano naman ako, ako naman yung bubuladas anytime, ang tagal nila mag-usap eh di nilabas ko na kahit parang may takot ako dahil baka pati ako pag-initan, sabi ko, anung pinag-uusapan pa nila, sabi ko wag na siyang maniwala sa sasabihin niya gawa nga may nabuntis nay un eh, malaking problema na nga yun dumadaggad pa siya sabay bira ng pasok sa loob.
Umalis na din, pero habang nung kami naman yung nag-uusap may pahabol pa yung babaeng “one more thing…” sabay sapak-sabunot sa kanya, [parang mga eksena sa pelikula di ba] pero guess what sinong mas tanga, ako pa din, ako na naman yung naiwan, yung kasama niya hanggang sa makauwi siya.
Parang kalian lang nagkaharap-harap kami nung major na involve, sinabi ko pa na hindi na ko magtataka kung meron pa aside sa aming dalawa, sabi niya wala na pero ano yung nakita ko kahapon? Kumusta naman yun…
Sabi ng utak ko GUMISING KA NA,
Sabi ng kaibigan ko, GUM ISING KA NA,
Sabihin kong hindi na kami!
Kung sakaling may numero pa daw siya nun eh makakatikim daw yun ng sumpa mula sa kanya,
Tao daw pa ako, at halimaw siya…
GUMISING NA DAW AKO!
Gusto kong maniwala na kaya ko siyang matulungan magbago kung pagbibigyan ko pa siya,
GUSTO KONG MANALIG!…pa rin
Ngunit nauupos na din ako,
Ang liwanag ay tila nauupos na, kung siya man ay nabalutan ko ng pansamantalang kaliwanagan at init, ako naman yung natutuluyang mabalot sa dilim.
NAPAKADALING sabihin na AYAW NA
Pero NAPAKAHIRAP GAWIN
Kung nagagalit ka na may isinulat akong mga bagay na ganito
MAGALIT KA NA!
Ng tantananan na kita!
Ng mawala na ako sa ilusyong ako ang kailangan moh,
Bakit ko pa daw hihinttayin ang setyembre kung ngayon pa lang ipinag-aadya ng Diyos na malaman ko na ang lahat,
Daig ko pa ang mga pulis na mahuli siyang na sa akto, pero heto ako, putangang sobra sa kanya.
GUMISING!
MANALIG!
LUMAYO!
Napakahirap!kung pwede na lang biglang maglaho sa mundo!
Kung pwede lang sana
Kung pwede lang bumalik sa pwerta ng nanay ko, ginawa ko na
Kung pwede lang magkaamnesia
MAGALIT KA NA SA AKIN
SABIHIN MONG HINDI AKO YUNG KAILANGAN MOH
SABIHIN MONG HINDI AKO YUNG MAHAL MOH
SABIHIN MOH NA LANG
Nakakapagod na!
Gusto kong magsimulang kasama ka pero paano kung puro na lang pagdududa?
Gusto kong ako kasama moh sa pagbabago, pero paano naman ako?
Hanggang kailan ako ganito?
NATATAKOT na mawala ka…
GUSTO KO NG GUMISING!
GUSTO KO!
SANA KAYANIN KO!
UTANG NA LOOB
GUMISING KA NA!